Wildflowers

Hortências

Huwag ismolin, dahil hindi mo mahihindian ang bango ng wild flowers. Tinaguriang “wild” dahil kusa na lang tumutubo ang mga ito na walang nag-aalaga, tinatayang may higit sa isang dosenang species ng bulaklak na maikukumpol sa grupo ng “wild flowers”. Kasali sa kumpulang ito ang Agave, Bird Cherry, Coltsfoot, Dog Violet at Elm. Sa mga bansa tulad ng UK, napakaraming mga kapatagan at bukirin ang balot sa wildflowers, at ang mga naghahalong bango nga mga ito’y lalong napapapresko sa simoy ng hangin. Sa katunayan, sa UK, ang pagbunot sa mga wildflowers ay itinuturing na criminal offence na may up to 1,000 pounds (approx. P60,000!). Likas na maganda at mahalimuyak ang mga bulaklak na ito, at pinapatunayan nila ang kasabihan na “the best things in life are free” – punta ka lang sa pinakamalapit na patag o bukirin, maghanap ng wildflowers, at simulan ang paglanghap sa bango nito!

 
TOP