Sampaguita

Fragrâncias

Mahahanap sa India at South East Asia, pinatubo ang sampaguita sa mga hardin ng Chinese emperors at ngayo'y tinatanim sa buong mundo dahil sa bango nito at medicinal properties. Dahil sadyang napakahalimuyak ng mga malalambot na bulaklak ng sampaguita, kailangang kamay ang gamitin sa pagpitas ng mga ito sa bukang-liwayway bago magsibukasan upang makuha ang taglay na bango at halimuyak na nawawala kapag naarawan. Mainam na antiseptic ang sampaguita, at nakapagpapatulog ito sabay sa kakayahan nitong makawala ng sakit. Pinaniniwalaang kaya nitong ma-rejuvenate ang atay at gamutin ang iilang reproductive at respiratory disorders. Hanggang ngayon, ginagamit pa rin ang ugat nito sa China bilang gamot sa sakit ng ulo at insomnia, at pinatutuyo naman ang matitingkad na luntiang dahon nito upang gawing tsaa o ihalo sa lutuin upang patamisin at pabanguhin ito. Sa India, itinuturing ang sampaguita na ""reyna ng gabi"" dahil pinaniniwalaang nakawawala ng pagkatakot sa dilim ang bango nito. Ayon sa alamat, maaari ring gamitin ang sampaguita bilang gayuma, at nakatutulong ito sa mga problema sa pag-ibig. Sinasabing nakapagdudulot ng pakiramdam ng optimism, pagiging malaruin, confidence at matinding pagkatuwa ang warm, comforting at sweet scent ng sampaguita. Mapagagaan nito ang loob mo at pinalalaya ang iyong imahinasyon.

 
TOP