Cherry Blossom

Fragrâncias

Ang bansang Japan na yata ang agad-agarang sumasaisip kapag cherry blossom na ang pinag-uusapan. Sikat sa buong mundo dahil sa sadyang napakaganda nitong bulaklak, mayroong fruity-flower scent ang cherry blossom na kapag marami nito ang amoy, siguardong mawawala lahat ng problema. Sa Japan pa rin, ginagamit sa pagluto ang mga cherry blossom – ginagawa ang mga bulaklak ito na pickle at kapag hinalo sa mainit na tubig, ito ang nagiging inumin sa kasal kung hindi green tea ang insinisilbi. Tinatawag na sakura, marami nang tula, kanta, drawing, at painting na pinagbidahan ang bulaklak na ito. Ngunit hindi lang sa Japan ipinagdiriwang ang bango at ganda ng cherry blossom. Sa katunayan, sa United States, may sariling bersiyon ng Cherry Blossom Festival ang Macon, Georgia at ang Newark, New Jersey. At ang Washington D.C. naman ang isa sa mga states na may pinakamaraming cherry blossom trees, mga regalo mula sa Japan noong early 1900’s. Dahil nga marahil sa taglay na ganda at halimuyak nito, may mga cherry blossom trees na hindi na namumunga at namumulaklak na lamang, at sa Japan ulit, may apat na klase ng cherry blossom trees na iba-iba ang tingkad ng pink ng mga bulaklak. Sadyang ganyan ang halina ng cherry blossom: mabango na, maganda pa – at ang halimuyak nito’y mahahanap na ngayon sa Surf.

TOP