Daisy

Fragrâncias

Kapag pina-drawing mo sa isang bata ang ‘bulaklak’, malamang sa malamang ay daisy ang agad niyang gagawin. Kaya nga hindi nakapagtataka na tinaguriang ‘Mother of All Flowers’ ang bulaklak na ito – na napapabilang sa parehong pamilya ng sunflower at aster. Dahil siguro mahahanap ang daisy sa lahat ng parte ng mundo liban na lamang sa Antarctica at Arctic, kaya naman ito na agad ang naiisip ng lahat kapag sinabi ang salitang ‘bulaklak’. Sa katunayan, ang ibang uri ng daisy na hindi naaapektuhan ng lawn mower ay napagkakamalang ‘weeds’. Kadalasang binibigay kapag nagdiriwang ng 5th wedding anniversary, simbulo ang daisy ng pagkamahinhin, pagka-inosente, at tapat na pag-ibig – kaya naman ang larong ‘he loves me, he loves me not’ ay ikinakabit sa bulaklak na ito.

TOP