Bye Bye Amoy

Dicas

Relaxing
Lavender

Relaxing LavenderLearn More

Pinaghalo ang nakatutuwa at pampagaang-loob na fragrances upang bigyan ng super freshening powers ang Surf. Dahil hindi maaaring ilagay ang lahat ng bagay sa bahay sa loob ng washing machine, kadalasa'y natitira pa rin ang ibang matitinding amoy. Subukan ang mga simpleng gawain na ito para mapa-away mo ang amoy!

Usok
Budburan ang carpet ng baking soda para masipsip ang amoy ng sigarilyo, at pagkatapos ay pwede na itong i-vacuum. Pabanguhin ang bahay gamit ang potpourri, gawa sa pinatuyong talulot ng rosas, balat ng dayap at cinnamon sticks.

Amoy kulob
Buksan lahat ng bintana upang pumasok ang sariwang hangin sa bahay. At siguraduhing tuyung-tuyo ang labada bago ito itabi.

Sa banyo
Gumamit ng kandilang sinindihan gamit ang posporo – tinatakpan ng sulphur mula sa posporo ang amoy habang sinusunog naman ito ng apoy mula sa kandila.

Body odor
Upang hindi manatili ang body odor sa hamper, gumamit ng tela na gawa para sa sports kung mag-e-exercise at natural fibers naman sa mga gawaing hindi ka pinagpapawisan. Kung maaari ay maglakad din nang nakapaa upang makahinga ang mga paa.

Amoy alagang hayop
Parating labhan ang hinihigaan ng alaga. Kaya ng pusa na paliguan ang kanilang mga sarili, ngunit iba ang mga aso! Gumamit ng shampoo na gawa sa malabnaw na lugaw at mas matagal magiging fresh ang buhok ng alagang aso.

Matitinding mantsa
Para matanggal at masipsip ang mantsa’t amoy sa basurahan, maglukot ng dyaryo at budburan ng baking soda. Linisin naman ang refrigerator gamit ang mixture na gawa sa vanilla essence at tubig. Maaari ring buhusan ng kaunting tea tree oil ang lababo para mawala ang masamang amoy.

Mga amoy galing sa pagluluto
Kung may exhaust fan, paandarin ito. Siguraduhin din na palaging nalalabhan ang mga basahan. Maghalo ng isang kutsarang suka sa isang platito ng tubig, pakuluin at hayaang sipsipin nito ang mga amoy sa kusina. Maaaring matanggal ang mga amoy sa bahay gamit ang mga sangkap na madaling mahahanap sa kusina. Ngunit ang pinaka-wais na tip namin: ilagay sa washing machine ang kung ano mang pwedeng i-washing machine. Amoy away agad sa Surf -- at kumakapit pa ang mga nakatutuwa’t nakagagaang-loob na signature fragrances!


TOP