Rose

Rosas

Tagsibol. Light. Romantic. Woody with a hint of green. Iilan lamang ang mga kataga’t salitang ito na ginagamit upang ilarawan ang bango ng rose. Ilang libong taon na rin na nagsisilbing simbolo ng pag-ibig ang rose, at hindi ito nakapagtataka dahil sa taglay na ganda ng bulaklak na ito. Para kay Aphrodite, ang diyosa ng pag-ibig, banal ang rose. Kaya naman sinamba ito kasama ang diyosa sa panahon ng mga sinaunang Griyego. Ngunit bago pa man umusbong ang sibilisasyon ng mga Griyego, pinaniniwalaang sa Persia unang inilinang ang rose – at ang pinakamatandang fossil ng rose ay nahanap sa Colorado, na tinatayang nasa 3,500 years old na! Ang rose ang isa sa mga bulaklak na tumutubo sa maiinit at malalamig na lugar sa mundo, kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang nakakakita at nabibighani sa ganda at bango nito. Kaya hanapin ang bango ng rose sa bawat paglaba, langhapin, at kiligin sa napaka-romantikong halimuyak nito.

TOP