Lavender

Lavanda

Relaxing
Lavender

Relaxing LavenderLearn More

Hango ang pangalang lavender mula sa Latin na ‘lavare’ na ibig sabihin ay ‘to wash’ o ‘labhan’. Kahit sa panahon pa ng sinaunang Romano, ginamit na ang bulaklak na ito upang gawing mas mabango at kaaya-aya ang labada. Ngunit mas mahaba pa ang kasaysayan ng lavender. Ayon sa mga sabi-sabi, malakas na gayuma raw ang lavender. Ginamit daw ito bilang perfume ni Cleopatra upang maakit ang kanyang mga katipan at sinasabing hinding-hindi nag-aaway ang magkasintahan natutulog sa kamang amoy lavender. Bukod sa pinaniniwalaang kakayahan nitong mapa-ibig ang kinagigiliwan, marami pang gamit ang lavender. Nilagay ito sa mga pampublikong paliguan ng mga Romano bilang antiseptic at noong World War One bilang disinfectant sa mga ospital. Ang langis na nakukuha mula sa bulaklak ay pinaniniwalaang nakatatanggal ng peklat; at dahil sa bango nitong mahalimuyak na may halong sweet at woody scents, nakapagpapalakas daw ito ng loob at nakapagpapakalma. Ang mga sinaunang Griyego ang unang nakatuklas na nakapagpapakalma ang bango ng lavender. Nakakatulong daw ang pag-amoy nito sa pag-meditate at pag-concentrate. Magpahanggang ngayon, mayroon pa ring gumagamit ng kumpul-kumpol ng lavender na nilalagay sa ilalim ng unan upang makatulog nang malalim. Kitang-kita nga naman na ang lavender ang bulaklak na naghahari kung sa pag-freshen ng labahan ang pinag-uusapan. Pagkatapos ng labada, langhapin ang halimuyak nito at hayaang mawala nang panandalian ang mga gumugulo sa isip.

TOP