Kalamansi

Fragrâncias

Napakaraming gamit ng kalamansi: sa sawsawan, bilang marinade sa pagkain bago ito ihawin, pampaputi ng balat, pang-cleanse ng katawan, at siyempre, pampabango sa labada. Pinaniniwalaang nanggaling ang kalamansi mula sa bansang China, at mula doon, kumalat na sa buong Southeast Asia. Sikat ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa kung saan laganap ang paglinang dito. Karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa pagluluto ang hilaw na bunga nito (kulay luntian pa), ngunit kapag hinayaang huminog, nagiging kulay kahel ito. Pinakatanyag ang kalamansi sa isang epiko ng Pilipinas na ‘Ibong Adarna’, kung saan ginamit ito ng isang prinsipe upang hindi makatulog dahil sa huni ng mahiwagang ibon. Ngayon, ginagamit ang citrusy fresh na bango ng kalamansi bilang sangkap sa laundry detergent, para gawing mas fresh ang labada. Sinasabi ng marami na ang kalamansi ang Pilipinong bersyon ng lemon, na hindi natural na tumutubo sa Pilipinas. Madaling patubuin, mura, at napakarami pang gamit – hindi nakapagtatakang malapit sa puso ng mga Pilipino ang kalamansi.

 
TOP