Wais Household Tips

Dicas

Relaxing
Lavender

Relaxing LavenderLearn More

Busy man buong araw, huwag kalimutang mag-relax at magpagaan ng loob gamit ang isa (o lahat na!) sa mga tips namin.

Mag-meditate pagkagising
Huwag isipin ang mga kailangang gawin. Magsindi ng scented candle, amuyin ang nakaka-relax na bango, at mag-focus sa apoy. Ipikit ang mga mata at isipin lamang ang dancing flames.

Gumawa ng “To Do” list
Gawaing pambahay man o sa pang-office, subukang tapusin ang gawain na parati mong nakakalimutan sa listahan mo. Nakagagaan ng loob kapag may sense of accomplishment ka.

Maglakad-lakad
Sa loob man ng village o kapag nakapag-outing sa beach, langhapin ang sariwang hangin at damhin ang dampi nito sa mukha mo. Hayaang mag-relax ang katawan at isipan. Magpakasaya sa mga simpleng bagay-bagay na nagpapasarap sa buhay.

Magpaka-feeling bata muli
Laruin ang mga nilaro nung bata ka pa, o di kaya’y bumalik sa probinsya or kumain ng paboritong ice cream. Ibalik ang sarili sa isang panahon kung saan wala kang kaproble-problema sa mundo.

Magtawag ng kaibigan
Nakagagaan talaga ng loob kapag may kausap kang kaibigan – malungkot ka man o masaya, andiyan siya.

Tumawa nang malakas
Napapalabas ng malakas na tawa ang ‘happy’ chemicals sa utak mo. Nakapagpapagaling at nakapagpapakalma ang pagtawa, at maganda rin itong exercise para sa tiyan. Makipag-biruan o manood ng nakatatawang sine, pili ka lang!

Magpatugtog
Isipin ang mga lyrics ng paboritong kanta at makisabay. Kung kinakailangan, makisayaw!

Maligo bago matulog
Tuldukan ang araw sa pamamagitan ng isang maaligamgam at nakaka-enjoy na paligo. Linisin ang sarili at damhin ang init na tinatangay lahat ng problema mo.

TOP