Philippines

pilipinas-bsl-hero   

Ang wais na pamamaraan ng Surf ay laging nakatuon sa pagpapasigla at paglalagay ng mga ngiti sa labi mga tao.

Sa pamamagitan ng aming wais na diskarte sa paglalaba at mga mahalimuyak na bango, ginawa naming mas
kasiya-siya ang paglalaba para milyun-milyong tao sa buong mundo. Ito ang ginagawa namin at gusto namin itong ipagpatuloy. Ngunit marami pa kaming gustong gawin…
Ginagamit ng Surf ang mga kagamitang nasira sa pananalanta ng bagyo para sa mga inobasyon sa loob ng komunidad!
Sa ilang rural na lugar sa Pilipinas, nagsasama-sama ang mga kababaihan upang maglaba sa ilog sa kanilang lugar, kung saan maaaring marumi o hindi umaagos ang tubig. Sa average, may 9 na litro ng pinaglabhan ang itinatapon ng mga kababaihan sa bawat paglalaba.
Sa Mayorga, Leyte isang lugar na nasalanta ng Typhoon Haiyan (Bagyong Yolanda), nagtayo ang Surf ng Labahan; isang pampublikong lugar kung saan maaaring maglaba na nagbibigay ng malinis na tubig na magagamit sa paglalaba ng mga damit, isang may bubong na lugar para sa mga kababaihan sa lugar na iyon upang makapaglaba sila nang maayos, at may mga tauhang nagbibigay ng payo kung paano makakapagtipid ng tubig.
Naghahatid ang Labahan ng mas simpleng solusyon para sa magagamit na malinis na tubig, at diniskartehan nito ang paggamit ng mga kagamitang nasira sa bagyo sa filtration system upang makapagbigay ng malinis na tubig. Sa pamamagitan ng pagiging wais, nakatulong ang Surf sa pagpapagaan ng buhay ng mga tao sa komunidad na ito, sa paggamit ng mga nasira ng bagyo upang maipakita ang pangako ng mas magandang kinabukasan.
Isang magandang bagay ang wastong paggamit ng mga nauubos na yaman. Simula noong nagbukas ang Surf Labahan, 34% ng mga kababaihan sa lugar na iyon ang nakagawa na ng bagong gawi sa paglalaba.
Hindi lang bumilis at dumali ang kanilang paglalaba, ngunit sa pangkalahatan, nakakatipid sila ng humigit-kumulang 153 litro ng tubig araw-araw*!
*batay sa bawat komunidad na may humigit-kumulang 17 sambahayan x 9 na litro sa isang araw kada laba

POLAROID_LABAHAN PERSONAL STORY 1_P21_TAGLOG

POLAROID_LABAHAN PERSONAL STORY 2_P21 TAGLOG  

POLAROID_LABAHAN PERSONAL STORY 3_P21 TAGLOG 

Surf Fiesta! Tumutulong sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan para sa Pilipinas


Sa Pilipinas, humigit-kumulang 80% ng mga produkto ang ibinebenta sa mga sachet, at malaki ang naging epekto ng hindi wastong pagtatapon nito sa malubhang problema sa basura, na nagiging dahilan ng mga matinding pagbaha. 
Kaya hinamon namin ang aming mga sarili upang maging maparaan. Habang binibili ng mga kababaihan ang aming mga produkto, naglunsad kami ng isang simpleng kampanya upang makatulong na pasimulan ang paglutas sa isyung ito. 
Kapalit ng mga gamit nang sachet ng Surf na ibinabalik ng aming mga consumer, nagbibigay ang Surf ng mga load na pang-text at inire-recycle naman namin ang mga sachet bilang hallow blocks. Ibinibigay namin ang hollow blocks na ito para sa konstruksyon ng mga komunidad at paaralan sa buong Pilipinas. 

POLAROIDS_P25_3 IMAGE SET 

POLAROIDS_P25_2 IMAGE SET 

Sa tulong nga mga consumer ng Surf, umaabot ng humigit-kumulang 10 milyong sachet ang nakokolekta natin kada taon. Inire-recycle at ibinibigay ang mga ito sa mga pinakanangangailangang komunidad. 

Kahit pa ang aming sariling Labahan water centre ay gawa sa mga na-recycle na sachet! 


ANG AMING MGA PAGKILOS SA BUONG MUNDO

Kumikilos ang Surf sa buong mundo upang gawing mas madaling gawain ang paglalaba at upang mas mapaganda ang mga buhay ng libu-libong kababaihan at ng kanilang mga pamilya.
Mag-click sa mga button ng bansa sa ibaba upang malaman kung paano kami tumutulong sa pagbabago sa mundo.
TOP